Si Juan ay isinilang na may kakaibang kakayahan at binigyan ng iba't ibang tinigβmga kamay na may kakayahang iukit ang kasaysayan sa dila ng mga tao, matang nangungusap upang ipaalam na tayo ay Pilipino, at boses na sumisigaw ng pantay-pantay na pagtrato sa samuβt saring tinig at wika.
Ngunit sa likod ng malakas na tinig ni Juan, nananatiling mabigat ang tanong:
Sinasabi nating βang wika ay kaluluwa ng bayan,β subalit bakit tila may mga kaluluwang inuuri kung alin ang mas mataas at alin ang mas mababa? Bakit ang wikang Bisaya, na bumubuo ng milyon-milyong tinig mula Visayas hanggang Mindanao, ay nagiging biro at pagkutya?
Paano nga ba natin tunay na pinahahalagahan ang lahat ng wika sa Pilipinas, kung sa social media pa lamang ay umiiral na ang pangungutya at pangmamaliit sa kapwa dahil sa kanilang paraan ng pananalita?
Marami tayong nasasaksihan onlineβmula sa mga nakakatawang meme hanggang sa mga mapanuyang komento na ginagamit ang salitang βBisayaβ bilang biro, insulto, o pantukoy sa bawat kakaibang bidyo sa social media. Sa mga komento lumalabas ang mga linyang:
βBisaya nga naman,β βBisaya ka kasi,β βBisaya pag walang load,β βHalatang Bisayaβ
na parang pantukoy na mababa o katawa-tawa ang kanilang pagkatao. Hindi baβt ito ay malinaw na anyo ng diskriminasyon sa wika?
Ayon sa datos, mahigit 21 milyong Pilipino ang gumagamit ng Cebuano at iba pang wikang Bisaya. Itoβy hindi maliit na bilang kundi malaking bahagi ng ating bayan.
Bago sana natin pahalagahan ang kulturaβt karapatan ng ibang bayan, simulan muna natin sa pagrespeto sa ating sariling wika at kinagisnan.
Ang pagkutya sa isang tinig ni Juan ay katumbas ng pagputol sa lubid ng kasaysayan at unti-unting pagsunog sa kaluluwa ng ating bayan. Itoβy tila sibat na nag-iiwan ng peklatβhindi sa balat, kundi sa pagkatao.
Ang lahat ng tinig ay pantay-pantay.
Lahat ay sinasalita, binibigkas, inuukit, at minamahalβmapa-Bisaya man, Tagalog, Ilonggo, o Waray.
Gamitin ng tama, irespeto, at ipagmalaki.
Ang nais lamang ni Juan ay magkaisa ang bawat Pilipinoβgamitin ang wika sa pag-unlad, itaas ang mga wikang malapit nang maglaho sa libro ng kultura, at maging tulay ang wika sa pagkakaisa.
Huwag gawing punchline ang kanyang sariling wika.
Kaya ngayon, kapag narinig mong muli ang katagang βBisaya nga naman,β subukan mong baligtarin ang himig.
Bigkasin mo ito hindi bilang pangungutya, kundi bilang papuri:
Bisaya nga namanβmatapang, makulay, at mayaman sa wika.
βοΈ ππΈπ¦π¦π΅
#silakbohoaxguard
0
0 commentsΒ·0 shares
No comments yet.
Delete Comment
Are you sure? This cannot be undone.
Authentication Required
Please sign in with your Google account to continue with this action.
Sign out from Silakbo?
Delete Message?
This action cannot be undone.
Edit Message
Contact Us
Address
Brgy. Crossing Rubber, Tupi, South Cotabato, Philippines
Silakbo, the official school publication of South East Asian Institute of Technology, Inc., stands as the fiery pulse of student expression β a vibrant chronicle shaped for and by the students themselves. More than a publication, it is a reflection of the institutionβs soul: its ideals, aspirations, and the voices that give it life. Through words that ignite thought and stories that illuminate truth, Silakbo captures the essence of campus life while upholding its noble creed as the βGuardians Against Hoaxes,β a steadfast defender of integrity and truth in an age of misinformation.
Mission
Silakbo is committed to pioneering dissemination, emphasizing high-quality education, showcasing locally competitive individuals, and empowering the sharing of essential competencies and knowledge.
Vision
Silakbo envisions becoming a leading student publication that shapes responsible communicators, critical thinkers, and socially aware individuals.
No comments yet.